Tuesday, November 17, 2015

Alma Moreno vs Karen Davila




When I first heard about Alma & Karen I never really bothered to check it out not until I realized that it is becoming "viral".

Uunahan ko na kayo, hindi ko naman talaga tinapos yun video. Sorry pero kasi hindi ko kinaya. It is either because parang ako ang nahihiya sa awkwardness ng sitwasyon or naawa ako kay Alma. 

First hindi ko kinakampihan si Karen kasi in some instance parang nafeel ko yun smugness sa kanya while interviewing Alma but then I cannot blame her kasi she has a point when she said "of course cause you are running for senate". Kailangan nyang patunayan sa bawat botanteng nanonood na hindi sya "Tangga Queen" lang. Hindi sya artista lang. Hindi sya ex ni Joey o ni Dolphy o ni Rudy lang. Isa syang Alma Moreno na may alam at kayang patunayan sa larangan ng pulitika.

Hindi ko rin naman alam ang kabuuan ng RH Bill o Magna Carta of Women or even the West Philippine Sea issue. Ang alam ko lang is yung basic content ng batas or issue but not its entirety. So yeah, di ako magmamagaling against Alma BUT still I feel like if I were her, I should have prepared for that interview. Alam ko ng iinterviewihin ako about the upcoming election or about my plan to run for senate, so magpeprepare ako. Kung ako nga nagpeprepare pa pag may job interview e, ano pa ba yun tatakbo ka for senate di ba. 

Sana ang mga pulitikong tatakbo ngayong 2016 bigyan ng importansya ang posisyong gusto nila pwestuhan. Hindi sana puro personal gain lang nasa isip. Wag sana rin hayaan ng mga artista na gamitin sila ng mga pulitikong trapo. Gamitin sana natin ang ating mga isip at tamang judgement para makapagpasya ng tama sa darating na election. 

Maraming tao ang gusto maging pulitiko dahil sa 'perks' ng pagiging nasa gobyerno. Maraming Me-Ma (Me Mapwestuhan) sa gobyerno ngayon regardless of the credentials. Sangayon ako na kadalasan ang practical experience ay higit na nakalalamang sa mga may pinagaralan. Pero balewala ang experience kung hindi rin inaaral ang kabuuan ng trabaho mo. 

Sana sa darating na election maging wise ang mga botante at magpwesto ng marangal at matinong pulitiko. Lahat ng mauupo sa gobyerno hindi natin maaalis na gamitin ang posisyon para sa pansariling kapakanan pero sana at the same time hindi rin nila makalimutan na Bayan Muna, Bago Sarili. Kapakanan muna sana ng bayan bago ang kanilang sariling kaban.

Be wise Filipinos. Sa atin nakasalalay ang pagangat ng bansa natin. Wala sa nakaupo sa gobyerno. Dapat simulan sa sarili ang pagbabago. Maging positibo para sa positibong hinaharap.

That's all folks!

See you on my next!


CubbyHole Spot




Test Drive

Okay, how should I start this one now? 

I have my personal blog, which if I am not mistaken, inaamag na sa blogosperya LOL.

I decided to write my 'ramblings' or 'opinions' or 'sentiment' or simpleng EMOTE here (in a separate blog) just to let all the thoughts in my head have its own personal space. Naiipon na kasi sa small brain ko and it is unhealthy hehe...

This space will be dedicated more on current affairs (showbiz, politics or whatever viral thingy) hence I do not want to post this in my personal blog. I've got a lot of skeletons there that is not worth sharing to anyone hahaha

OK peace out...gotta write something about the new tandem - ALDAV - ALma moreno & karen DAVila LOOOOL. just a trivia, ito ang nagbigay ng idea sakin na gumawa ng bagong BLOG haha

See you on my next!





CubbyHole Spot